2 Chinese nationals naaresto sa NAIA

NI NERIO AGUAS

Dalawang Chinese nationals ang inaresto ng mga tauhan ng  Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pawang nasa wanted list ng ahensya dahil sa paglabag sa penal and immigration laws ng bansa.

Nabatid na ang nasabing mga dayuhan ay naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng border control and intelligence unit (BCIU) ng BI intelligence division sa NAIA.

Kinilala ni BI Intelligence chief, Fortunato Manahan Jr. ang unang nadakip na dayuhan na si Cai Xiaoming, 43-anyos, na nasabat noong Mayo 20 sa NAIA Terminal 1 nang dumating ito ng bansa kung saan nang dumaan sa immigration counter ay nakita na nasa bureau’s list of persons with court-issued hold departure orders (HDOs) ang dayuhan.

Sinasabing dumating ito mula sa Quanzhou, China kung saan natuklasang may hold departure order ang Pangasinan regional trial court noong Setyembre matapos na mahatulan ito sa kasong tax evasion.

Iniimbestigahan na ng BI kung papaano nakalabas ng bansa si Cai sa kabila ng may HDO ito at inaresto sa paglabag sa Section 37(a)7 ng Philippine Immigration Act of 1940 dahil sa evasion of departure immigration inspection.

Samantala, noong Mayo 24 nang maaresto ng BI sa NAIA  Terminal 1 ang Chinese fugitive na si Wang Zili, 27-anyos, na nagtangkang umalis ng bansa patungong Shanghai.

Sa record ng BI, si Wang ay isa sa 16 Chinese nationals na isinailalim sa BI’s watchlist kasunod ng impormasyon na wanted ito sa China dahil sa pagkakasangkot sa economic crimes.

Kapwa nakakulong sina Both Cai at Wang sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Leave a comment