
Ni JOY MADELAINE
Mahigit 5,300 bakanteng trabaho ang available para sa mga residente ng Caloocan City sa Mega Job Fair na isasagawa ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), sa darating na Hulyo 7 sa Caloocan City Sports Complex.
Ayon kay City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan inaanyayahan nito ang lahat na makiisa sa nalalapit na job fair para samantalahin ang mga oportunidad sa trabaho na ibinibigay ng pamahalaang lungsod.
“Inaanyayahan ko po ang mga job seekers natin na pumunta sa Mega Job Fair ng pamahalaang lungsod. Sulitin po natin ang pagkakataon na ito upang makahanap ng maayos na hanapbuhay,” panawagan pa ni Mayor Along.
Ipinahayag din ng alkalde ang pasasalamat sa PESO at sa 53 partner companies na makikilahok at ginawang posible ang pangakong ipagpapatuloy ang pagsisikap ng kanyang administrasyon sa pagbibigay prayoridad sa mga proyektong pangkabuhayan at trabaho upang mabigyan ng mas komportableng buhay ang kanyang mga nasasakupan.
“Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na ako sa pagtutulungan ng PESO at ng mga katuwang na ahensya at private companies upang magbigay ng maayos, ligtas, at disenteng trabaho para sa mga Batang Kankaloo,” sabi ng alkalde.
“Alam po natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos at stable na hanap-buhay kaya naman po prayoridad ng pamahalaang lungsod na gumawa ng mga programang maglalapit ng mga oportunidad sa ating mga kababayan. Asahan po ninyo na madadagdagan pa ang ganitong mga klase ng proyekto para sa ikauunlad ng lungsod ng Caloocan,” dagdag pa nito.

c3 road block 12 pamasawata 3 caloocan city
LikeLike
Thank-you for opportunities
LikeLike
comment is awaiting moderation.
Thank-you for opportunities
LikeLike