Paglilikas sa mga OFWs madaliin – solon

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa mga ahensya ng pamahalan kabilang ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA), at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na mabilisang magsagawa ng paglilikas at pagsagip sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza Strip.

Ayon kay Go, vice chair ng Senate Committee on Migrant Workers, na mahalaga na magtulungan ang mga ahensya ng pamahalaan para masiguro ang dami ng bilang ng mga OFWs sa Israel partikular ang mga naging biktima na ng nasabing kaguluhan at kailangan na pagplanuhin ang agarang pagsagip sa mga naiipit sa gulo.

“The safety of our kababayans is paramount. I urge the DMW, DFA, and POEA to act swiftly and ensure that every Filipino worker is accounted for,” sabi ni Go.

Apela rin ng senador sa mga OFWs na huwag magdalawang-isip na magkipag-ugnayan sa mga tauhan at opisyales ng Philippine Embassy sa Tel Aviv.

“I understand that many of you have built lives abroad, but your safety should always come first. Please coordinate with our embassy and avail yourselves of the government’s assistance,” payo pa ni Go.

Sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nasa 200 ang bilang ng mga OFWs na nakabase sa Gaza Strip na kasalukuyang binabantayan dahil sa kaguluhan.

“The DMW Act was designed to protect our OFWs. Now, more than ever, it’s time to put this law into action to protect our kababayans,” ani Go.

“I call upon all relevant agencies to work hand in hand in this endeavor. Let us set aside bureaucracy and focus on immediate action. Lives are at stake here. Proteksyunan natin ang buhay ng bawat Pilipino nasaan man sila sa mundo lalo na ang mga itinuturing nating modern-day heroes na OFWs na nagtatrabaho para mayroong maitustos sa pamilya nilang naiwan,” dagdag pa nito.

Leave a comment