
NI NERIO AGUAS
Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang US national na pinatawan ng parusa dahil sa kasong panghahalay.
Kinilala ang nasabing dayuhan na si Charles Harry Cooper, 66-anyos, ng US Colorado, na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong nakalipas na Oktubre 8 sakay ng China Air flight mula Taiwan.
Nabatid na pinigilan ng mga tauhan ng BI si Cooper nang dumaan sa immigration counters matapos malamang nahatulan ito sa US noong 2009 sa kasong statutory rape in the 1st degree at statutory sodomy for a person under 14, at molestation in the 1st degree.
Nang imbestigahan, sinabi ni Copper na nagtungo ito sa Pilipinas para magbakasyon at pansamantalang mananatili sa Pasay City.
Agad na pinabalik sa country of origin ang nasabing dayuhan at awtomatikong hindi na makakabalik ng bansa.
“These predators are not welcome in the Philippines. Any sex offender who attempt to enter the country will be turned back and blacklisted,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.
