
Ni NERIO AGUAS
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 13 Vietnamese nationals na naaktuhang illegal na nagtatrabaho sa isang illegal health spas and clinics sa magkahiwalay na lugar sa Makati City, Parañaque, at Pasay.
“The audacity of these illegal aliens to be running their in the middle of the Metro. We received intelligence information about their presence and activities, hence I immediately ordered their arrest,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco
Nabatid na isinagawa ang magkakasunod na pagdakip base sa natanggap na impormasyon hinggil sa mga nasabing mga dayuhan na nagpapatakbo ng illegal na spa clinics.
Sa pagsisiyasat ng BI, nabigo ang mga naturang mga dayuhan na magpakita ng working permit dahilan upang maging undocumented aliens.
Kinasuhan ang 13 Vietnamese nationals ng paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 at pagiging undocumented aliens.
Napag-alamang may working visa ang isa sa mga dayuhan ngunit nahuling nagtatrabaho sa isang kumpanya maliban sa kumpanyang nagpetisyon ng kanyang visa, kung kaya’t nilalabag nito ang mga kondisyon ng kanyang pananatili sa bansa.
“These illegal aliens are operating their business in broad daylight, perhaps thinking that they will not be caught. We urge local government units, barangays, and community members to report illegal aliens in your areas so we can immediately arrest and deport them,” ayon kay Tansingco.
Ang nasabing mga dayuhan ay nakakulong sa BI jail facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang inihahanda ang resolusyon para sa pagpapatapon dito pabalik ng kanilang bansa.
