Hindi naka-embossed na credit card hindi pwedeng gamitin sa SM?

Usaping credit card naman tayo.

Batid naman natin na kung pag-aaralang mabuti kung hindi aabusuhin ay may magandang maidudulot ang paggamit ng credit cards sa mga transaksyon natin partikular kung gagamitin sa pambayad sa tuition fee, sa pagpapagamot sa ospital at sa pamimili ng groceries at gamit sa bahay.

Marami sa aking mga kakilala ang mayroon ginagamit na credit cards dahil sa anila ay parang may pera kang dala-dala kahit wala kang gash on hand.

Magagamit din ang credit cards sa mga hindi inaasahang gastusan tulad na lamang kung may emergency.

Basta ang payo lang natin sa ating mga tagasubaybay ay maging maalam sa paggamit nito at hindi basta-basta na lamang dahil siguradong mababaon kayo sa utang kung hindi mababayaran ang pinaggamitan ng credit cards.

Buwan-buwan ay may darating na billing statements mula sa bangko kung saan nanggaling ang iyong credit cards na nagsasaad ng mga pinaggamitan kung saan kung babayaran ng buo ay may mabuti dahil walang interes na babayaran.

Pero kung installments ang pagbabayad o minimum payment ay ihanda ang sarili at siguradong may dagdag na bayarin ‘yan dahil sa interes at hindi naman mababayan ang principal na pagkakautang nito.


Isang kaibigan natin ang nakausap natin ay naikuwento ang sinapit na pagkapahiya sa SM Molino diyan sa Dasmariñas, Cavite dahil sa hindi tinanggap ang Citi credit card nito na gagamitin sana para pambayad na nagustuhang sofa ng anak nito.

Ang siste kasi, kahit good standing at updated ang credit cards ng ating kaibigan ay hindi ito tinanggap.

Hinihingi ng salesman sabi ng kanyang supervisor ay dapat ay embossed ang credit cards o ‘yaong dapat ay naka-print ang details ng owner tulad ng name and credit card numbers.

At dahil hindi naka-embossed ang details sa Citi card, hindi tulad ng iba pang credit cards ng ibang bangko, ay hindi pinayagan itong magamit at mabili ang sofa kahit may sapat na pondo naman ang owner nito.

Nang tumawag naman ang ating kaibigan sa Citi card/Unionbank ay sinabi nitong walang dahilan ang sinumang merchant gaya ng SM na hindi tanggapin ang Citi card at walang pagkakaiba sa iba pang credit cards.

Ang mahalaga aniya ay active ang Citi card at may sapat na available credit ay maaaring gamitin ito nang walang anumang dapat na problema.


Ano rin kaya ang masasabi ng iba pang ahensya ng pamahalaan tungkol dito tulad ng Bangko Sentral ng Pilpinas (BSP), Department of Trade and Industry (DTI)?

***

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon at sumbong, tumawag o mag-text sa cell phone no. 09157412674.

Leave a comment