
SUBUKAN N’YO!!!
Namimintong masibak sa serbisyo at makulong ang ilang taga-usig ng Office of the City Prosecutor ng isang lungsod sa lalawigan ng Cavite, sa oras na maisampa sa Office of the Ombudsman ang reklamong gross incompetence, gross ignorance of the law and jurisprudence, dereliction of duty at iba pa laban sa kanila dahil sa kanilang maling paniniwala na ang isinampang kasong kriminal hinggil sa paglabag sa Republic Act No. 9994 ay dapat isampa muna sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).
Bukod sa OMB, maaari rin silang sampahan ng paglabag sa lawyer’s oath at Code of Professional Responsibility and Accountability sa Integrated Bar of the Philippines o IBP.
Malinaw naman sa Section 6 (g) ng RA No. 9994, na ang isa sa functions, obligasyon o katungkulan ng OSCA ay “To assist the senior citizens in filing complaints or charges against any individual, establishments, business entity, institution, or agency refusing to comply with the privileges under this Act before the Department of Justice (DOJ), the Provincial Prosecutor’s Office, the regional or the municipal trial court, the municipal trial court in cities, or the municipal circuit trial court.”
Walang nakalagay sa naturang batas na ang OSCA ay magsilbing mediator o tagapamagitan sa nagrereklamong senior citizen at sa inirereklamo nito.
Bukod dito, ang lahat ng criminal complaints ay maaaring isampang direkta sa Prosecutor’s Office o sa law enforcement agency na siyang magsasampa ng kaso sa Office of the City o Provincial Prosecutor. Tsk, tsk, tsk!
Biro n’yo, mga padrino ko, malinaw naman dito sa batas na ang obligasyon ng OSCA ay “To assist” lamang o asistehan ang senior citizens sa pagsampa ng reklamo sa DOJ (ang departamentong may sakop sa Office of the Prosecutor) at tanggapan nito dapat isampa ang criminal complaints na gaya ng paniniwala nireng incompetent na Office of the City Prosecutor.
Hindi rin binigyan ng batas ang OSCA ng quasi-judicial function kaya wala silang karapatang manghimasok sa ano pa mang kaso lalo na ang criminal complaints bukod sa asistehan nila ang senior citizen na magsasampa ng kaso laban sa paglabag ng RA No. 9994. Tsk, tsk, tsk!
Incompetence nga ba ito o simpleng corruption?!
Alamin!!!
Walang karapatang manatili sa kanyang puwesto bilang hepe ng Office of the City Prosecutor, sa lalawigan ng Cavite, na bagaman sinampahan na nga ng mga kasong kriminal sa Office of the Ombudsman ay patuloy pa rin sa pagbasura ng mga kasong isinampa sa kanyang tanggapan ng taong nagreklamo laban sa kanya.
Bukod dito sa city prosecutor, kabilang din sa sasampahan ng disbarment petition sa Integrated Bar of the Philippines ang kanyang assistant city prosecutor na walang humpay sa pag-dismiss ng mga kaso dahil sa kanyang taglay ng “katalinuhan”.
Ginamit din nila ang kanilang kapangyarihan para lang sa kanilang personal na paghihiganti kasi nabuking daw ang katiwalian nireng city prosecutor na babaguhin niya ang kanyang resolution sa isang kaso basta tama lang ang presyo para dito. Tsk, tsk, tsk!
Abangan!!!
Kailan kaya maipatutupad ireng sinasabi noon ni ex-Supreme Knight Carl Anderson, na minsanan na lamang ang exemplification ng 1st, 2nd at 3rd degree, para hindi ito masyadong abala sa oras ng mga gustong maging miyembro ng Knights of Columbus?
Ang isa sa pagbabago ng policy ng Order ay ang tinanggal na ang “secrecy” dito para maipakita sa mga non-member kung ano ang ginagawa ng K of C para sa kapwa at para sa simbahan.
Sana maipatupad na dito sa bansa ang sinabi ni dating Supreme Knight Carl Anderson.
Abangan!!!
Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com
