Bago matapos ang 2022: 50 milyong National ID cards ipapamahagi — PSA

NI MJ SULLIVAN

Siniguro ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bago matapos ang kasalukuyang taon ay maipamamahagi na nito ang 50 milyong national ID cards sa buong bansa.

 Ito ang sinabi ni Fred Sollesta, ang Deputy National Statistician ng PSA kung saan simula umano sa susunod ng buwan ay magtutulong ang PSA at ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para mapadali ang produksyon ng PhilSys ID card na aabot sa 80,000 ID cards kada araw.

Target din aniya ng PSA na simula sa Oktubre ay tumaas pa sa 133,000 kada araw ang maipapamahagi nilang National ID sa mga Pilipino.

Maliban dito, sinabi pa ni Sollesta na magsasagawa ito ng roll out ng printable at digital versions ng National ID’s para makamit ang target na 50 million sa pagtatapos ng taon.

Ayon kay Sollesta, ang ilalabas nilang printable and digital versions ng National ID ay kaparehas lamang ng mga features ng physical cards.

Sa kasalukuyan, umabot pa lamang umano sa 71 milyon na mga Pilipino ang nakapagparehistro na sa PhilSys at nasa 17 milyong cards na ang na-produced ng BSP habang 15 milyon na mga IDs ang naipamahagi na.

Nabatid na ilang indibiduwal na nakapagparehistro sa Nationa ID System noong nakaraang taon pa ang hindi pa rin natatanggap ang nasabing ID.

Ngunit sinabi ni Sollesta na ilan sa mga nagparehistro ay may maling input ng mga detalye kung kaya’t hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatanggap ng mga ito ang kanilang National ID.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s