Salceda sa NCAP: Pagpataw ng multa sa traffic violations hindi PPPable

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni House Ways and Means chair Joey Sarte Salceda (Albay, 2nd district), na ang pagpataw ng multa at parusa sa mga pribadong kumpanya ay hindi maaaring maging paksa ng Private-Public Partnerships, tulad ng kaso ng ilang local government units na nagpapatupad ng no-contact-apprehension policy.

“Apprehending traffic violations is the exercise of the police power of the State. That is originally a legislative power, delegated to the executive branch for implementation. But it cannot be delegated further to private companies,” ayon kay Salceda, may akda ng House Bill no. 3227 o ang Motorists’ Bill of Rights.

Aniya, ang kapangyarihan ng pulisya ay nagsasangkot ng kapangyarihan ng puwersa, at ang puwersa ay ang monopolyo ng estado at hindi ito maaaring maging paksa ng isang komersyal na kasunduan sa pagitan ng estado at pribadong sektor.

“You can subject the payment system to PPPs. You can buy or rent technology from the private sector that detects potential violations automatically, for review by agents of the state, but you cannot PPP the very act of apprehending potential violators,” sabi nito.

Sinabi ni Salceda na ang proseso ay potensyal na lumalabag sa due process clause ng Konstitusyon, lalo na dahil ang mga LGUs ay hindi inaatasan ng batas na magkaroon ng Traffic Adjudication Boards kung saan maaari kang mag-apela.

Idinagdag pa ni Salceda na ang public-private partnerships sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan ay mahigpit para sa mga pasilidad sa imprastraktura at pagpapaunlad gaya ng nakasaad sa Joint Memorandum Circular No. 1, s.  2019. 

Ang iba pang mga pagkakaiba ay maaaring aprubahan ng Pangulo ng Pilipinas ayon pa sa JMC, ngunit idinagdag ni Salceda na malinaw na hindi naglabas ng anumang deklarasyon ang Pangulo sa epekto na ang pagpapatupad ng batas ay maaaring maging paksa ng isang PPP.

“There should also have been extensive consultation before the PPPs were set into motion. That is required under PPP Governing Board Resolution No. 2016-06-02,” aniya pa.

“This is also a dangerous precedent on privacy. Remember, the PPP partner is a private company. If it can exercise the pretense of ‘lawful surveillance,’ that’s a very slippery slope towards other activities that are violative of laws on privacy, by private companies. They can invoke the PPP to monitor anybody’s activities on the road,” dagdag ng mambabatas.

Nagbabala rin si Salceda laban sa isang “commercial incentive” sa pagkakaroon ng higit pang mga paglabag sa ilalim ng naturang mga kasunduan sa PPP.

“There is an inherent conflict of interest in allowing law enforcement to be delegated to private authorities. Common good dictates that there be fewer violations, but the only way a private partner makes money is if there are more violations, no matter how arbitrarily apprehended,” ayon pa kay Salceda.

Ipinaalala rin ni Salceda sa mga LGU na ang Local Government Code, sa ilalim ng section 130, ay tahasang nagdidikta na ang mga multa ay hindi maaaring kumpiskahin, at maaari lamang iakma o dapat ibigay ng eksklusibo sa LGU.

Ang mga PPP na naghahati ng multa sa kasosyo ng PPP at ng LGU ay lumalabas na lumalabag din sa nasabing batas.

“The LGC also asserts that these charges should be according to the capacity to pay. For delivery riders, taxi drivers, and others who make their living on the road, a P5,000 fine is confiscatory, and they probably can’t afford it either. I urge LGUs to have alternative means of meeting such obligations, such as community service, for transport sector workers,” sabi nito.

“I urge Secretary Abalos and the PPP Center to review the PPP agreements governing NCAP, because there are striking red flags,” ayon pa kay Salceda.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s