Hidden charge sa ospital dapat tuldukan — solon

Rep. Ray Florence Reyes

Ni NOEL ABUEL

Bilang na ang araw ng ilang ospital na nagpapataw ng hidden charges sa mga hospital bills ng mga pasyente.

Ito ay kasunod ng inihaing House Bill No. 01828 o Medical Bill Transparency Act na inihain ni Anakalusugan party list Rep. Ray Florence Reyes, na magbabawal sa “hidden charges” sa mga bayarin sa ospital at iba pang serbisyong pangkalusugan.

Sa ilalim ng panukala, aatasan nito ang mga ospital at pasilidad na magsapubliko ng kanilang standard charges habang ang Department of Health (DOH) naman ang titiyak na isasapubliko ng mga ospital ang mga impormasyong madaling maintindihan hinggil sa mga bayarin.

“Marami sa ating mga kababayan ang natatakot pa ring magpagamot at magpaospital dahil sa gastos. Kailangan nating bigyan ng kapangyarihan ang ating mga kababayang pumili ng abot-kayang serbisyo at mga produktong medikal,” ani Reyes.

“The passage of the Universal Health Care law does not address the irregularities in pricing the medical equipment, services, and prescriptions. Filipinos remain blindsided by how much medical services and continuing medical care costs. The lack in transparency widens the gap and disenfranchise our citizens into pursuing much needed medical help,” dagdag nito.

Sa sandaling maging batas ang panukala, ang DOH kasama ang Department of Finance (DOF) na maglalabas ng joint regulations na mag-oobliga sa mga health providers na isaayos ang pag-access sa impormasyon patungkol sa inaasahang out-of-pocket costs para sa serbisyo ng pasyente bago makatanggap ng serbisyong medikal.

“The goal of this bill is to empower citizens in having better control and choice for their health needs. Filipinos have always put their health second in fear of hospital bills driving them further into poverty. There is a need to change this mindset. It is my dream to create a more health literate Philippines,” ani Reyes.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s