Quiapo bilang National Heritage Zone, isinulong sa Kamara

Rep. Joel Chua

Ni NOEL ABUEL

Ipinadedeklarang National Heritage Zone ng isang kongresista ang paligid ng Quiapo Church, Plaza Miranda, San  Sebastian Church, at Plaza del Carmen sa lungsod ng Maynila.

Sa House Bill 3750 na inihain ni Manila Third District Rep. Joel R. Chua, nais nitong isama sa boundaries ng heritage zone ang nasabing mga lugar upang mapabilang sa restoration ng mga imprastruktura, preserbasyon ng kulturang mula at likas sa lugar, at rehabilitasyon ng pamayanan.

Kasama rin sa heritage zone ang kanlurang bahagi sa Evangelista Street, sa mga nakapalibot na mga gusali at propriedad sa paligid ng Quiapo Church at Plaza Miranda.

Habang sa hilaga naman sa “rear property lines of buildings facing Escaldo Street at F. R. Hidalgo Street” ay patuloy hanggang hilagang-kanluran sa “rear property lines of buildings facing San Sebastian Street at hilagang silangan ng kahabaan ng Recto Avenue.

Samantalang sa silangang bahagi naman, kasama sa heritage zone ang “side property lines of the San Sebastian College complex and Plaza del Carmen, and on the south, following the south bank of the Estero de Quiapo and wrapping around the rear property lines of buildings facing Hidalgo Street and A. Bautista Street,” nakasaad sa HB 3750.

Ayon kay Chua, mga trabaho sa heritage zone at pag-angat ng buong Maynila ang idudulot ng HB 3750.

“The Quiapo Heritage Zone shall be accorded priority development by the Department of Tourism (DOT) and other concerned departments and units and shall be subject to the rules and regulations governing the development of national heritage zones,” ani Chua.

“For many reasons, Quiapo has become a household name, a landmark, and a symbol for many Filipinos. The name “Quiapo” was derived from the word kiyapo. It is a species of floating water lily with thick, light-green leaves, similar to a tiny, open cabbage. At around the early 1600s, the galleon trade increased the population of Chinese migrants who exchanged their silk and other products near Quiapo,” dagdag nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s