Flyover itatayo ng DPWH sa Bataan

NI NERIO AGUAS

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon para sa bagong apat na linyang flyover sa Pilar, Bataan.

Sinabi ni DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain na kasalukuyan nang isinasagawa ang sub-structure works sa Ala-Uli Steel Flyover sa Barangay Ala Uli, Pilar upang makatulong sa pagluluwag ng trapiko sa panulukan ng Gov. J.J. Linao National Road at Roman Superhighway (dating Bataan Provincial Highway).

Itinuturing aniya itong isa sa prayoridad ng DPWH sa ilalim ng Mega Bridges for Urban and Rural Development Project (MBURDP), kung saan ang nasabing proyekto ay itatayo at ilalagay ang 17.3-meter wide at 607.750-meter long flyover na binubuo ng 195.59-meter modular steel flyover, 80-meter transition road sa bawat isa at 124.612-meter road Approach A at 126.269-meter road Approach B.

Sinabi pa ni Sadain dahil sa dumaraming bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa probinsya ng Bataan ay dahil sa special economic zone at freeport sa Central Luzon na nagbibigay ng oportunidad na trabaho kung kaya’t kailangan na magtayo ng proyekto tulad ng flyover.

Ang nasabing flyover project ay inaasahang matatapos sa loob ng 18 buwan at inaasahang magbibigay ito ng ginhawa sa mga magsasaka at negosyante para madaling maipadala ang mga produkto ng mga ito sa ibang lugar.

Ayon pa sa DPWH, ang pagtatayo ng flyover ay nakapaloob sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DPWH Bridges Management Cluster – Unified Project Management Office (DPWH-BMC-UPMO), DPWH Regional Office 3 kasama ang Bataan 2nd District Engineering Office at ng provincial government ng Bataan at ng municipal government ng Pilar LGU.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s