Masbate at Davao Occidental niyanig ng lindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na lindol ang lalawigan ng Masbate na naramdaman din sa ilang lugar sa Bicol region, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong alas-3:22 ng madaling-araw nang maramdaman ang magnitude 5.0 sa richer scale sa layong 64 silangan ng lungsod ng Masbate at may lalim na 015 at ang origin ay tectonic.

Isinusulat ang balitang ito ay wala ang naitatalang nasira o nasaktan sa nasabing paglindol na naramdaman ng ilang segundo subalit inaasahan ng Phivolcs na may mga nasirang bahay o gusali.

 Naitala ang intensity V sa Masbate City, at San Fernando, Masbate habang intensity IV sa Milagros, Cawayan, Balud, Baleno, Mobo, San Jacinto, Monreal, at Batuan, Masbate.

Intensity III  naman sa Uson, Dimasalang, at Palanas, Masbate; Legazpi City, Albay; Irosin at Sorsogon City at Donsol, Sorsogon; San Vicente at Capul, Northern Samar samantalang intensity II naman sa San Pascual, Claveria, at Aroroy, Masbate; Allen at San Isidro, Northern Samar; Tagapul-an, Samar.

At sa instrumental intensities ay naramdaman ang intensity V sa Masbate City, intensity III sa Legazpi City, Albay, intensity II sa Tabaco, Albay, intensity I sa Naval, Biliran; Iriga City at Pili, Camarines Sur; Calubian at Ormoc City, Leyte; Prieto Diaz, Sorsogon.

Nagbabala pa ang Phivolcs sa posibilidad na maramdaman din ang mga aftershocks.

Samantala, ganap namang alas-6:05 ng umaga nang yanigin din ng lindol ang Davao Occidental.

Naitala ang lindol sa lakas na magnitude 4.2 sa richer scale at nakita ang sentro nito sa layong 072 kms silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Saranggani, Davao Occidental at may lalim itong 159 kms at ang origin ay tectonic.

Wala nang naitalang intensity sa nasabing lindol dahil sa malalim ang nasabing lindol.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s