Magna Carta of Filipino seafarers isinulong sa Kamara

NI NOEL ABUEL

Dahil sa malaking kontribusyon ng mga Filipino seafarers sa ekonomiya ng bansa ay dapat na alagaan at protektahan ang mga ito.

Ito ang sinabi nina Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Yap kung saan inihain ng mga ito ang panukalang magtatayo ng Magna Carta of Filipino Seafarers para mas maprotektahan ang mga ito at kanilang mga pamilya.

“The Philippines is known to be the top producer of seafarers around the world. Amongst the 1.6 million seafarers across the globe, 400,000 of them are Filipinos, accounting for 6.14 billion USD or 19 percent of the overall remittances in2018,” sabi ni Duterte.

Base sa inihain ng mga itong House Bill No. 1758, layon nito na maisaayos ang working conditions, terms of employment, career prospects ng mga Filipino seafarers at magbigay ng mga pagkakataon upang magamit ang kanilang potensyal.

Layundin din nito na gumawa ng mga polisiya at programa para maiangat ang pamumuhay ng mga pamilya ng mga Filipino sailors.

Binigyan-diin ni Duterte na sa kabila ng pagiging pinakamalaking kontribusyon sa ekonnomiya ng bansa, nananatiling kulang sa representasyon dahil nananatili pa rin ang paulit-ulit na panganib sa kanilang trabaho, illegal recruitment, kakulangang ng onshore welfare services at social protection, at kulang sa medical care.

Iginiit din ng kongresista na ang kawalan ng isang batas na magsusulong ng karapatan at pribilehiyo sa mga Filipino seafarers.

“The Philippines is a state party to the Maritime Labor Convention, an international agreement which seeks to promote the protection of the seafarer’s rights to decent working conditions. Hence, as a state party in this international agreement and pursuant to Section 2, Article II of the 1987 Constitution which highlights the policy of the state to adopt generally accepted principles of international law as part of the law of the land, the country is set to uphold and abide to the said provisions,” paliwanag pa ni Duterte.

Nilalayon din ng House Bill No. 1758 na pagtibayin at palakasin ang probisyon na nakasaad sa MLC upang masiguro ang karapatan at kapakanan ng mga Filipino seafarers.

At upang mapagaan ang pasanin ng mga marino sa pagpoproseso ng kanilang dokumento, iminumungkahi sa panukala ang pagtatayo ng isang integrated document processing center na tatawaging Philippine Seafarer One-Stop Processing Center (PSOC).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s