
Ni NERIO AGUAS
Nananatiling sarado pa rin ang 13 national roads sa Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley Region dahil sa pagkakaroon ng landslide, pagbaha at pagbagsak ng mga puno dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Florita.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH)- Bureau of Maintenance, hanggang alas-12:00 ngayong tanghali ay sarado pa rin at hindi madaraanan ang ilang kalsada.
Kabilang dito ang Claveria-Calanasan- Kabugao Road, K0717+500-K0717+570, Namaltugan, Calanasan, Apayao dahil sa pagguho ng lupa; ang Mt. Province-Ilocos Sur via Tue, K0387+450 Beto Section, Tue, Tadian, Mt. Province dahil naman sa pagguho ng mga bato; ang Mt. Province- Ilocos Sur via Tue, K0387+450 Beto Section, Tue, Tadian, Mt. Province dahil sa landslide.
Gayundin ang Abra Kalinga Road K0470+500 at K0474+000 sections sa Subagan, Baay- Licuan, K0480+900 at K0481+050 sections sa Duldulao, Malibcong, Abra bunsod ng soil collapse; ang Itogon-Dalupirip Road, K0265+100, Sitio Twin River, Poblacion, Itogon, Benguet dahil sa soil collapse at pagbagsak ng mga puno at ang Gov. Bado Dangwa National Road K0338+500 – K0338+550 sa Ampusongan at K0349+100 – K0349+150, Gakian, Gambang, sa Bakun, Benguet dahil sa soil collapse.
Samantala, apektado naman sa Region 2 ang Cabagan-Sta. Maria Road, Cabagan Overflow Bridge na isinara dahil sa pagtaas ng tubig.
Pinapayuhan ng DPWH ang mga motorista na nasa 20 kalsada rin ang halos hindi madaanan dahil sa pagguho ng lupa at soil collapse subalit naglagay ng one-lane passable sa CAR tulad ng Mt. Province – Ilocos Sur via Tue K0683+250 – K0683+270 at K0687+300 – K0687+315 sections sa Naguilian, Calanasan, Apayao dahil sa soil collapse; ang Benguet-Nueva Vizcaya Road, K0288+200 Ambuklao, Bokod, Benguet due dahil din sa soil collapse; ang Asin – Nangalisan – San Pascual – La Union Boundary Road, K0262+920 Sitio Lasong, Brgy.Tadiangan, Tuba, Benguet dahil naman sa pagragasa ng mga bato at pagbagsak ng mga puno.
Gayundin ang Apayao – Ilocos Norte Road, K0623+600, Madatag, Kabugao, Apayao dulot ng landslide; ang Itogon – Dalupirip Road, K0267+950, Brgy. Tinongdan, Itogon, Benguet dahil sa soil collapse; ang Cong. Andres Acop Cosalan Road, K0321+575, Sitio Batengan, Brgy. Adaoay, Kabayan, Benguet dahil din sa soil collapse; ang Nueva Vizcaya – Ifugao – Mt. Province Boundary Road, ilang bahagi ng Bolog, Kiangan; Cudog, Lagawe; Namulditan, Hingyon, Ifugao dahil sa rock collapse; ang Kiangan – Tinoc – Buguias Road, ang ilang bahagi ng Poblacion at Julongan, Kiangan; Gumhang at Ap-apid, Tinoc, Ifugao dahil sa soil collapse; ang Banaue – Hungduan – Benguet Boundary Road a. K0378+400 and K0379+500, Abatan, Hungduan, Ifugao; ang Mt. Province – Calanan – Pinukpuk – Abbut Road (Cagaluan – Calanan Section), K0481+370 Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga dulot naman ng pagragsa ng putik.
Gayundin ang Mt. Province – Calanan – Pinukpuk – Abbut Road (Pinukpuk – Abbut Section) K0526+950 – K0526+970 atd K0528+820 – K0528+835, Katabbogan, Pinukuk, Kalinga; ang Balbalan-Pinukpuk Road, K0520+650 – K0520+660, Malagat, Pinukpuk, Kalinga; Tabuk – Banawe Road K0525+980 – K0526+995 and K0534+700 – K0534+715, Mabaca, Tanudan, Kalinga; ang Mt. Prov. Bdry. – Calanan – Pinukpuk – Abbut Road K0437+050, Ambato, Tinglayan and K0454+200, Manangol, Lubuagan, Kalinga.
Samantala, sa Region 1 ay kasama sa mga saradong kalsada ang Luna- Bangar Road K0304+715 – K0310+1018 sa La Union dahil sa pagbaha; ang Santa Rancho Road, Calungbuyan Bridge sa Ilocos Sur; Tagudin – Cervantes Road; Jct. Santiago-Banayoyo-Lidlidda-San Emilio- Quirino Road; Cervantes-Aluling-Bontoc Road, K0387+950, Brgy. Aluling, Cervantes, Ilocos Sur; Jct. Candon – Salcedo – del Pillar Road a. K0362+600 at K0362+930.
Ayon sa DPWH, nagpadala na ito ng 990 personnel kasama ang 117 equipment mula sa DPWH CAR, Regions 1 at 2 para magsagawa ng paglilinis sa mga naapektuhang national roads at mga tulay.