MSMEs at SICs kailangan pa ring tulungan – Sen. Go

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go na kailangan pa ring tulungan ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), at iba pang strategically important companies (SICs) habang unti-unting bumabangon mula sa pandemya.

Ito ang sinabi ni Go base sa inihain nitong Senate Bill No. 1182 o ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act na naglalayong pahusayin ang kapasidad ng mga government financial institutions upang matulungan ang mga maliliit na negosyante.

“Inaasahan nating malalampasan na natin ang pandemya sa lalong madaling panahon.  Habang patuloy nating ginagawa ang lahat ng mga hakbang para protektahan ang buhay ng mga kababayan natin, kailangang bigyan din ng sapat na pansin ang kabuhayan nila.  Alalayan natin sila hanggang tuluyang makabangon,” paliwanag pa nito.

“No Filipino should be left behind in our road towards full and inclusive economic recovery,” dagdag pa ni Go.

Binigyan-diin pa nito na ang pagbibigay ng tulong sa MSMEs at SICs ay mahalaga sa pagtiyak na pagbangon sa ekonomiya. 

Aniya, maraming negosyo ang pinadapa ng global health crisis at kailangang kumilos ang pamahalaan para tulungan ang mga nangangailngan para tuluyang makabangon.

“Mas maraming negosyong makakabangon, mas maraming Pilipino ang mabibigyan ng trabaho at kabuhayan.  Mas merong sapat na pagkain para sa pamilyang Pilipino at mas maraming mga bata ang makakapag-aral. Importante walang magutom tungo sa ating muling pagbangon,” paliwanag pa nito. 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s