
NI MJ SULLIVAN
Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng magkakasunod na paglindol sa magkahiwalay na lugar sa mga lalawigan ng Abra, Ilocos Sur at Surigao de Sur kaninang umaga.
Ayon sa Phivolcs, unang naita ang magnitude 2.5 na paglindol dakong ala-1:40 ng madaling-araw sa bayan ng Danglas, Abra.
Nakita ang sentro nito sa layong12 km hilagang kanluran ng Danglas, at ang lalim ay 001 km at tectonic ang origin.
Sinabi ng Phivolcs na ang paglindol sa Abra ay resulta pa rin ng nangyaring paglindol noong nakalipas na Hulyo 27 na magnitude 7.0 sa Hilagang Luzon.
Ganap namang alas-3:08 ng madaling-araw nang yanigin din ng lindol ang lalawigan ng Ilocos Sur sa lakas na magnitude 3.3.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 011 km timog kanluran ng bayan ng Sigay, Ilocos Sur at may lalim na 004 km at tectonic ang origin.
Samantala, nilindol din ang Surigao Del Sur, dakong alas-8:04 ng umaga kung saan magnitude 2.3 na lindol ang tumama sa bayan ng Bayabas ng nasabing lalawigan.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 022 km hilagang-silangan ng Bayabas, Surigao del Sur at may lalim ng 024 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang nasirang bahay o gusali sa talong paglindol at wala ring inaasahang aftershocks.