
NI NERIO AGUAS
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang flood control project nito sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay DPWH Region 6 Director Nerie D. Bueno malaking tulong sa mga residente ng Libacao, Aklan ang nasabing proyekto para mawala na ang pagbaha na nararanasang pagbaha sa nasabing komunidad.
Sinabi pa ni Bueno na ang P59.4 milyon flood control project ay ginamitan ng steel sheet piles, concrete blocks, hexapod, at access ramp sa pagtatayo ng 390-meter revetment wall.
Idinagdag pa ng opisyal na ang bagong istruktura ay magsisilbing barrier laban sa pag-apaw ng tubig at posibleng pagguho ng lupa na makakaapekto sa mga local communities na nakatira malapit sa ilog, partikular sa Barangay Rivera.
Sinasabing ang naturang flood control project ay magsisilbing proteksyon sa mga karatig na national roads mula sa posibilidad na pagkasira na malaki ang magiging epekto sa pagdadala ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa mga malalayong lugar sa Aklan.
“DPWH will continue to do its part in helping mitigate disaster risks in local communities by providing all-weather infrastructure that protects people, property, and livelihood,” sabi pa ni Bueno.