Asawa at tatlong anak ni ex-Gen. Garcia tinuluyan sa plunder, money laundering

NI KAREN SAN MIGUEL

Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Carlos F. Garcia na ibasura ang kasong plunder at money laundering ng asawa at anak nito kasabay ng pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa mga ito.

Sa 13-pahinang mosyon na inilabas ng ni Sandiganbayan Second Division Associate Justice Oscar C. Herrera Jr. at Associate Justices Michael Frederick L. Musngi atdArthur C. Malabaguio, na may petsang Setyembre 7, 2022, pinadadakip nito si Clarita at mga anak na sina Ian Carl, Juan Paulo, at Timothy Mark dahil hindi sakop ang mga ito ng  plea bargaining agreement sa pagitan ng dating heneral at ng prosekusyon.

Sa ilalim ng kasunduan,  naghain ng guilty plea si Garcia sa mas mababang kaso na direct bribery bilang kapalit ng plunder charge atd facilitating money laundering sa halip na money laundering.

Hinatulan si Garcia na makulong ng 8-taon hanggang 14-taon at pinagmumulta ng P407.8 milyon sa kabila ng isinoli nito ang P135.433 milyon sa pamahalaan bilang bahagi ng kasunduan.

Ngunit sinabi ng anti-graft court, hindi absuwelto ang mag-iina ng dating heneral dahil hindi kasama ang mga ito sa kasunduan at kasama pa rin ang mga ito sa kaso.

“Movant’s wife and children…, who are his co-accused, remain charged in both criminal cases. They are at-large and have not even been arraigned. Nowhere in the Plea Bargaining Agreement …is there any declaration that they be dropped as accused in the two criminal cases,” ayon sa Sandiganbayan.

Isinantabi rin ng korte ang apela ni Garcia na mabawasan o matanggal ang hatol dito at kanselahin ang P407.8 milyong multa.

Gayunpaman,  ipinagkaloob ng korte ang kahilingan ni Garcia para sa pagtanggal sa subsidiary imprisonment na nakasaad sa Article 39 ng Revised Penal Code na nagbabawal na ipatupad ang subsidiary imprisonment kung ang principal penalty na ipinataw ay mas matas sa prison correccional. Sa orihinal na plunder case na isinampa noong 2009, inakusahan si Garciana nagkamal ng P303.27 milyong ill-gotten wealth habang aktibo pa ito sa Armed Forces of the Philippines.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s