
NI NOEL ABUEL
Umani ng papuri sa mga kongresista ang isang Pinay tennis champion sa natamo nitong karangalan at kauna-unahang Filipino na tinanghal na kampeon sa napakasikat na laro sa buong mundo.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ipinakita ng 17-anyos na si Alex Eala ang husay at galing nito sa paglalaro ng tennis nang makopo nito ang grand slam title sa 2022 US Open Girls’ Singles title.
“Once more, a young Filipina athlete showed the world what mankind could achieve with grit, determination, and perseverance. Congratulations, Alex Eala, for showing us the way to greatness. The Filipino nation is truly proud of you, and we are forever grateful for your success on the global stage. Mabuhay ang Pilipinas!” sabi ni Romualdez.
Ayon naman kay Valenzuela Rep. Eric Martinez, isang malaking karangalan ang ibinigay ni Eala sa mga Filipino dahil sa tagumpay nito.
“My heartfelt congratulations to Ms. Alex Eala… you make our country and fellow Filipinos as well, very much proud of what you have achieved. Indeed, you give great joy and honor to all of us, and will forever be the source of inspirations. That would remind us, special the future generations, that passion, hard work and dedications as the key in realizing our goals,” sabi ng kongresista.
“I strongly believe that Alex Eala got a long career ahead of her, that could probably equal the achievements that of the Mighty Mite, Felicisimo Ampon,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Martinez na malinaw ang mensahe na dapat nang mag-invest ang mga Pinoy athletes habang bata pa ang mga ito upang maabot ang tagumpay na ginawa ni Eala.
Ayon naman sa Gabriela party list, isa pang patunay na ang mga babae ay may maibubuga sa iba’t ibang paraan tulad ng sports events sa pagkakapanalo ni Eala.
“This is yet another proof that Filipino women are capable of blazing trail for the country in global sports events, and further testament of our strength despite prevailing macho-feudal notions. We will continue to push for greater state funding for the development of Philippine sports and for the support for Filipino athletes, especially Filipino women athletes,” sabi ng Gabiela party list.