Pagtatatag ng Department of Water Resources Management iniapela

Rep. Wilbert Lee

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si AGRI party-list Rep. Wilbert T. Lee sa liderato ng Kongreso na agad na talakayin ang panukalang pagtatatag ng Department of Water Resources Management upang maisaayos ang water resources at makatulong na rin sa food security ng bansa.

 Ayon sa kongresista, inihain nito ang House Bill No. 2880, para magtayo ng Department of Water Resources Management na siyang gagawa at mag-iimplementa ng comprehensive water usage at conservation program ng bansa.

Kabilang aniya sa magiging tungkulin ng DWRM ay magppapatupad ng mga polisiya at pagrereporma sa pamamahala ng lahat ng water resources kasama na ang irigasyon, sewage at sanitation.

Gayundin, imo-monitor ng DWRM kung nakakasunod sa nais ng pamahalaan na may kaugnayan sa tuig, irigasyon, sewage, at sanitation at gumawa ng national updated road map upang masolusyunan ang problema sa patubig at mapahusay ang pagtitipid ng tubig at madagdagan ang system efficiencies.

 Nakapaloob din sa panukala ang paggamit ng rainwater harvesting facilities sa buong bansa para makatulong sa pangangailangan.

Sa kasalukuyan, nasa 32 mga ahensya ang nangangalaga at nagpapatakbo sa water resources ng bansa, na naglagay sa Pilipinas na pang 48 sa mga bansang tinukoy  ng Asian Development Bank sa usapin ng water governance noong 2018.

Paliwanag pa ni Lee, na mahalaga ang DWRM dahil sa inaasahan nang malulugi ng $124 billion ang Pilipinas hanggang 2050 mula sa water-related risks, tulad ng malakas na bagyo, pagbaha, at matagalang tag-init.

 “Hindi na natin maaaring ipagpaliban pa ang pagtataguyod ng departamentong ito. Simbolo ng watak-watak at hindi epektibong pamamahala ang kasalukuyang sistema, kaya nararapat lang na sa lalong madaling panahon ay ayusin na,” panawagan pa ni Lee.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s