Sumunod pa rin tayo sa health protocol at magpabakuna — Sen. Go

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go na bagama’t tinatanggap nito ang desisyon ng gobyerno na mag-relax sa regulasyon sa pagsusuot ng mga face mask ay  umapela pa ito sa mga Pilipino na magpatuloy ang pagsunod sa mga health protocol at  makakuha ng bakuna laban sa Covid-19 kabilang ang mga booster shot.

“I’m sure pinag-aralan po ito ng ating IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) headed by the Department of Health. It’s based on good science naman always. Every month, every week, pinag-aralan naman ng ating gobyerno ‘yan. Suportado ko po ito,” sabi ni Go sa ambush.

“Ngunit bilang Committee chair on Health, hinihikayat ko pa rin po ang ating mga kababayan na huwag maging kumpiyansa. Habang nandiyan si COVID, delikado pa rin po ang panahon. Wala naman sigurong mawawala sa atin kung susuotin po natin ang ating mga mask. Mas mahirap pong magkasakit, sa totoo lang po,” dagdag nito.

Magugunitang nagpalabas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Executive Order No. 3, na nagsasaad na gawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa mga open spaces, o non-crowded outdoor areas.

Habang ang mga senior citizens at immunocompromised individuals, ay inoobligang magsuot pa rin ng face mask.

“Bago po pinirmahan ng Malacañang ang EO, I’m sure pinag-aralan ito ng IATF, ng ating experts ‘yung pagluluwag po. Ako po naniniwala naman po ako sa kanilang desisyon na ito po ang makakabuti moving forward. Kaya lang po, paalala ko lang sa mga kababayan natin, ‘wag pa rin pong maging kumpiyansa. Nasa atin naman ‘yan, nasa Pilipino naman ‘yan. Voluntary ang pagsusuot ng face mask, para naman ito sa inyong proteksyon,” paliwanag pa nito.

“Ang nangyayari kasi ngayon, kulang ‘yung information drive natin na ipaintindi sa mga kababayan natin na kulang pa rin, hindi pa sapat ang initial two doses. Hindi naman po lahat ng mga kababayan natin ay (nakakapagtest) ng antibodies (laban sa COVID-19). ‘Yung iba nakapagpabooster… (Pero) yung ibang mga kababayan natin na hindi, nagiging kumpiyansa na po,” dagdag pa ni Go.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s