
NI KAREN SAN MIGUEL
Iniulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nalagpasan nito ang target collection nito noong nakaraang buwan.
Ayon kay BIR Commissioner Lilia Catris Guillermo, nalagpasan nito ang collection target noong Agosto 2022 ng 4.46 porsiyento o katumbas ng P9.766 bilyon.
Base sa ulat, nakapagtala ang BIR ng ₱ 219.172 bilyon noong nakaraang buwan na kung ikukumpara sa actual collection (net of tax refund) na ₱ 228.938 bilyon, ang August 2022 collection ay mas mataas sa kahalintulad sa 23.03% o ₱ 42.860 bilyon.
Ang kabuuang koleksyon ng BIR mula Enero hanggang Agosto 2022, (net of tax refund) ay nasa ₱ 1.559 trillion, na mas mataas ng 12.25 porsiyento o ₱ 170.168 bilyon kung ikukumpara sa net tax collections sa kahalintulad na panahon noong 2021.
Sinasabing ang koleksyon ay nagpapakita ng mas higit sa 98 porsiyentong natamo ng BIR na ₱ 1.586 trillion.