I-ban na ang POGO–solon

Rep. Janette Garin

Ni NOEL ABUEL

Sinuportahan ni Iloilo Rep. Janette Garin ang nauna nang pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na pumapabor sa pagpapahinto ng operasyon ng POGO dahil na rin sa masamang reputasyon na dinudulot nito.

Apela pa ni Garin sa mga kapwa nito kongresista at mga senador na gumawa ng hakbang para ma-ban na sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kasunuod na rin ng mga insidente ng kidnapping,pagdukot at iba pang illegal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.

Ayon kay Garin, vice chair ng House Committee on Appropriations at ang ganitong mga insidente ay may matinding epekto sa imahe ng Pilipinas sa international community at dahilan para umiwas ang mga foreign investors.

“Now that we are opening up our economy and kidnapping and human trafficking headlining our daily news, it is driving away investors considering that its creating a misinformation that the Philippines is not safe,” pahayag ni Garin kung saan tinukoy nito ang naging operasyon kamakailan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group na nasa 43 Chinese nationals sa Angeles City, Pampanga na biktima ng human trafficking ang nasagip.

Ipinagmamalaki ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang malaking revenue na nakukuha sa POGO na siyang unang dahilan kung bakit hindi ito dapat na ipahinto.

Gayunpaman para kay Garin hindi aniya sapat ang kita kung kapalit naman ay mga krimen na nakasisisira sa bansa.

“It has become a door to several crimes. The Philippine Offshore Gaming Operators hubs have become havens for undesirable aliens, drug and human trafficking, prostitution and other crime syndicates for money laundering and illicit operations,”paliwanag ni Garin.

“China and Cambodia have banned gambling because of the ill-effects it had brought and the Philippines should learn from their experience, we should not disregard the negative and deleterious effects that have risen with the continued operation of POGO in our country,” dagdag pa ng mambabatas.

Aniya, ang underground operation ng POGO sa Pilipinas ay nagsimula noon pang 2003 subalit noong 2016 ay tumodo ang operasyon nito matapos maging legal sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa datos noong 2019 ay nasa 138,000 ang Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO at sa nasabing bilang ay 83,760 ang may special work permits kaya nakakapanatili ito sa bansa ng hanggang 6 na buwan habang 17% naman ay mga Filipino na karaniwang trabaho sa POGO bilang mga driver, helper at security guards at bodyguards.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s