
NI NERIO AGUAS
Magpapatupad ng paghihigpit ang Bureau of Immigration (BI) sa pagpapasok sa Pilipinas ng mga dayuhan na galing sa mga bansang Cambodia at Vietnam.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, inatasan nito ang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang paliparan sa bansa na maghigpit sa pag-screen ng mga dayuhan galing sa dalawang nasabing bansa.
Ito ang tugon ng BI sa mga ulat na ilan sa mga nasagip na dayuhan sa mga isinagawang pagsalakay sa ilang opisina ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) ay pawang mga Vietnamese at Cambodians.
Maliban dito, ang mga naglabasang ulat ng pagdukot at pagpatay sa mga POGO workers kung saan maliiban sa mga Chinese nationals, kasama rin sa mga biktima ay Vietnamese at Cambodians.
Ito rin ang dahilan upang magtakda ng imbestigasyon ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa susunod na araw.
Mahigpit na habilin ni Tansingco sa mga BI frontliners na isailalim sa secondary inspection angv mga foreign nationals na may kahina-hinalang biyahe sa bansa.
“This is how immigration works. We look at arrival trends and look for patterns. Our partnership with other law enforcement agencies allows us to see whether there is a need to tighten measures on certain types of travellers,” sabi nito.
Sinabi pa ni Tansingco na suportado nito ang pagpapatupad ng advance passenger information system para maiplementa ang border security ng bansa.
