
NI MJ SULLIVAN
Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng mga Filipino na magkaroon ang malakas na tsunami sa karagatan sakop ng Pilipinas kasunod na malakas na lindol na tumama sa bansang Mexico na magnitude 7.5.
Sa inilabas na advisory ng Phivolcs, sinabi nitong walang dapat na ikatakot ang lahat ng Pinoy na magkaroon ng tsunami dahil sa tumamang malakas na paglindol sa nasabing bansa.
“Hazardous tsunami waves from this earthquake are possible within 300 km of the earthquake epicenter along the coast of Mexico. This is for information purposes only and based on available data, there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” ayon sa Phivolcs.
Base sa ulat, dakong alas-2:05 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 7.5 na lindol di kalayuan sa The Coast of Michoacan Mexico na may lalim na 010 km.
