DPWH Quick Response Teams handa na sa Tropical Storm ‘Karding

NI NERIO AGUAS

Nakahanda na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa inaasahang magiging epekto ng Severe Tropical Storm “Karding” sa bansa.

 Una nang ipinadala ng DPWH ang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Teams sa mga strategic road sections  sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nabatid na ipinosisyon na at inilagay na sa alert status ang DPWH quick response assets sa pagpasok sa Luzon ng Severe Tropical Storm “Karding” na inaasahang magdadala ng malakakas na ulat at posibleng magdulot ng flashflood at landslide.

Sa ulat ng DPWH Bureau of Maintenance, ang quick response teams ay binubuo ng 8,963 personnel at 1,590 piraso ng kagamitan para magamit sa pag-monitor sa mga lansangan sa buong Luzon at Western Visayas noon pang araw ng Sabado, Setyembre 24, 2022.

Nakaposisyon na ang DPWH teams sa 8 rehiyon sa Luzon na base sa pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) ang dadaanan ng bagyo kung saan inatasan ang quick response teams na agad na tumulong sa paglilinis sa mga maaapektuhang mga national road sections.

Una nang umanong nagsagawa ang DRRM Teams ng paghahanda sa bagyong ‘Karding’ kabilang ang pagputol sa mga puno, paglilinis ng basura sa mga rainage, at waterways sa mga national roads.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s