9k jobseekers dumagsa sa ‘Trabaho, Turismo, Asenso!’ job fairs — DOLE

NI NERIO AGUAS

Aabot sa mahigit sa 9,000 jobseekers ang nagbaka-sakali sa 8,310 employment opportunities sa tatlong araw na “Trabaho, Turismo, Asenso!” Philippine Tourism Job Fair na magkakasabay na ginawa sa Pasay, Cebu, at Davao.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa nasabing bilang, 407 aplikante ang nakatitiyak nang magkakaroon ng trabaho habang 8,376 iba pa ang ikinokonsiderang near-hires.

Pinuri ng DOLE ang malaking tulong ng pamahalaan para makabangon ang ekonomiya sa nasabing okasyon kung saan 157 employers ang lumahok at nagbukas ng 8,310 bakanteng trabaho.

Sinabi pa ng DOLE na ang mga isasagawang  job fairs ay magtatagal pa ng hanggang Mayo 2023.

Nabatid na sa Luzon leg ng tourism job fair ay ginanap sa  SMX Convention Center sa Pasay City, kung saan 71 employers ang lumahok at nagbukas ng 3,620 bakanteng trabaho.

Sa 3,000 aplikante na lumahok, 45 ang agad na natanggap sa trabaho habang 7,752 iba pa ang kinokonsiderang near-hires na isasalang na lamang sa interview at pagsunod sa pre-employment requirements ng kumpanya.

Samantala, sa Visayas leg ng nasabing job fair na ginawa sa SM City Cebu kung saan 2,114 bakanteng trabaho ang binuksan ng 44 employers.

Sa 4,000 aplikante na bumisita sa job fair site, 332 ang agad na natanggap sa trabaho, habang  182 iba pa ang near-hires.

At sa Mindanao leg, 2,576 bakanteng posisyon ang binuksan ng 42 employers na ginawa sa Abreeza Mall Davao kung saan sa 1,000 aplikante 30 jobseekers ang hired-on-the-spot.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s