
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng kambal na paglindol ang lalawigan ng Surigao del Sur kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.4 na lindol dakong alas-12:22 ng madaling-araw na natukoy ang sentro sa layong 063 kms hilagang silangan ng bayan ng Cortes, Surigao del Sur.
May lalim itong 007 km at tectonic ang origin.
Dakong alas-2:00 naman ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 4.1 na lindol na tumama sa nasabing lalawigan.
Natukoy ang sentro nito sa layong 065 km hilagang silangan ng bayan ng Cortes, Surigao Del Sur at mMay lalim na 007 km at tectonic ang origin.