Paggamit ng medical marijuana dapat na pag-aralang mabuti – Sen. Go

Senador Christopher “Bong” Go

NI NOEL ABUEL

Nagpahayag ng kahandaan si Senador Christopher “Bong” Go sa panukalang paggamit ng medical marijuana sa Pilipinas para sa mga may malubhang sakit.

 Sa pahayag n Go, chairman ng Senate Committee on Health, na nakahanda itong magsagawa ng hiwalay na pagdinig ng nasabing komite hinggil sa medical marijuana at ipatatawag ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapatupad nito.

Una nito, isinulong ni Senador Robinhood Padilla ang panukalang paggamit ng medical marijuana sa pagdinig ng Senate Committee on Finance na duminig sa pondo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) sa susunod na taon.

 “Hindi lang medikal ang pinag-uusapan dito, kundi pati kung papaano mare-regulate ng maayos at hindi maaabuso ang paggamit nitong marijuana, itong cannabis at hindi maging negosyo ng mga nasa masamang elemento at mapunta sa ibang kamay,” sabi ni Go.

“Importante pa rin po sa atin kung paano natin i-regulate at paano po ito makakatulong sa ating mga kababayan na alam naman nating nangangailangan ng tulong medikal. Dahil napakamahal po ng mga gamot, ‘yung alternative na gamot na kailangan nilang bilhin,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Go na mismong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpahayag ng pagsang-ayon sa medical marijuana sa bansa sa pagsasabing mas makakamura ang nagpapagamot.

“Naalala ko noon, medyo considerate nga po ang ating dating Pangulong Duterte. Basta sabi niya gamitin lang ito sa medical, dahil mas mura nga po Alam ninyo, ‘yung iba nagmamakaawa, umiiyak, humihingi ng tulong kung paano sila mas makakamura dahil napakamahal po ng ibang medisina sa pagpapagamot ng mga may sakit nilang anak. Bitbit pa nila ‘yung mga anak nila, pumunta sila ng Malacañang noon, umiiyak at humihingi ng tulong,” naalala pa ng senador.

Paliwanag pa nito na dapat na mapag-aralan ang nasabing panukala upang masiguro na ang mga nangangailangan lamang nito ang makakakuha ng cannabis at hindi aabusuihin ng mga adik.

“Nandito po ako, magpapagitna, makikinig, at paano natin maayos at matutulungan itong mga pasyenteng nangangailangan po ng cannabis. So, salamat po sa inyong inisyatibo na makatulong. Kaisa po ninyo ako lalung-lalo na sa usapang medikal kung paano tayo makatulong sa mga mahihirap nating kababayan,” aniya pa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s