Sen. Robinhood Padilla nasa maayos nang kondisyon

NI NOEL ABUEL

Nasa maayos na kondisyon si Senador Robinhood “Robin” Padilla matapos sumailalim sa heart procedure sa Asian Hospital sa Muntinlupa ngayong araw ng Sabado, Oktubre 1.

 Base sa inilabas na kalatas ng kampo ni Padilla, matapos sumailalim sa operasyon ay pinayagan na rin itong pauwiin sa bahay nito.

 “Si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla ay nasa maayos na kalagayan at pinayagan nang umuwi matapos sumailalim sa isang heart procedure sa Asian Hospital sa Muntinlupa City ngayong Sabado, Oktubre 1, 2022,” ayon sa kalatas.

“Magpapahinga po si Sen. Padilla ngayong weekend at inaasahang makakabalik sa kanyang trabaho at normal na gawain sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat si Sen. Padilla sa pagbuhos ng dasal at suporta para sa kanyang agarang paggaling,” dagdag nito.

Nagpasalamat naman ang senador sa mga taong nagdasal para sa umayos ang kalagayan nito.

“Magbibigay po kami ng karampatang update sa kalagayan ni Sen. Padilla. Muli, marami pong salamat,” ayon pa dito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s