DOLE naglaan ng P455 M sa apektado ng bagyong ‘Karding’

NI NERIO AGUAS

Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P455.6 milyon para sa implementasyon ng emergency employment program sa Central Luzon at CALABARZON na tinamaan ng bagsik ng bagyong ‘Karding’ noong nakaraang linggo.  

Ayon kay Labor Secretary Bienvenio E. Laguesma, sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, ang mga informal sector workers sa nasabing mga rehiyon ay makakatanggap ng trabaho na tatagal ng 10-araw para tumulong sa paglilinis, de-clogging ng kanal, debris segregation, materials recovery, at iba pa na makakatulong sa rehabilitasyon ng kanilang komunidad. 

Ipinangako ni Laguesma na patuloy nitong suporta sa mga manggagawang naapektuhan ng bagyo at tiniyak na magbibigay ng karadagang pondo sa TUPAD funds sa paunang alokasyon at binigyan-diin na pinahusay na pagpapatupad ng programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay sa mga benepisyaryo.

 Sinabi naman ni DOLE Central Luzon Regional Director Geraldine M. Panlilio, aabot sa kabuuang P365 milyon ang inilaan sa programa sa tulong ng mga local government units (LGUs) at kanilang Public Employment Service Offices (PESO).

Sa kasalukuyan aniya, nasa 14,000 benepisyaryo ang nakikinabang sa programa at sa susunod na linggo, 29,000 iba pa ang bibigyan ng trabaho.

Binayaran na rin ng DOLE Regional Office ang suweldo ng 31,333 TUPAD beneficiaries sa Bulacan, Tarlac, at Bataan matapos ang pananalasa ng bagyong Karding.  

At upang madagdagan ang kasanayan ng mga emergency employment beneficiaries, sinabi ni Panlilio na ang DOLE Central Luzon ay nakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagsasanay ng carpentry skills ng mga manggagawa sa Bulacan, Aurora, at Nueva Ecija.

 “The beneficiaries will not only work for 10 days, but they will also gain carpentry skills. In this way, they will not only construct their own homes, but they might also be employed by construction companies,” sabi ni Panlilio.

Samantala, sinabi naman ni DOLE CALABARZON Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman na naglaan ng P90.6 milyon bilang paunang pondo sa emergency employment ng mga informal sector workers na naapektuhan ng bagyo.

Aabot sa mahigit sa 19,800 manggagawa na labis na sinalanta ng bagyo sa Polilio Island, Burdeos at iba pang bayan sa Quezon, Rizal, Laguna, Batangas at Cavite.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s