
NI MJ SULLIVAN
Inuga ng paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 4.0 na lindol sa bayan ng Sarangani ng nasabing lalawigan.
Ang sentro ng lindol ay natukoy sa layong 131 km timog silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.
May lalim ito na 013 km at tectonic ang origin kung saan wala namang iniulat na intensity o lakas ng lindol na naramdaman ang mga residente ng nasabing bayan.
Pinapayuhan ng Phivolcs ang mga residente ng bayan ng Sarangani sa posibleng aftershocks anumang araw.