
NI NERIO AGUAS
Makakaasa nang hindi na babahain pa ang munisipalidad ng Panitan, Capiz tuwing umuulan kasunod na pagtatapos na sa proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa river control project sa nasabing lalawigan.
Sinabi ni DPWH Region 6 Director Nerie D. Bueno na ang naisaayos na ang revetment wall sa Panay/Mambusao River Basin sa Barangay Balatucan kung saan mapoprotektahan na ang buhay at ari-arian ng mga residente nito sa kalamidad.
“The revetment wall also helped protect other local communities in Capiz as it minimized the damages caused by storm surge when tropical depression “Agaton” hit in April this year,” sabi ni Bueno.
Nagpasalamat naman ang mga lokal na opisyales sa DPWH dahil sa flood control project ay magkakaroon na ng katiwasayan ang pag-iisip ng mga residente ng bayan ng Panitan.
Ang 386-lineal meter revetment wall ay pinondohan ng P76.2 milyon na ipinatupad ng DPWH Capiz 1st District Engineering Office.