
Ni NERIO AGUAS
Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na nito ang pag-aaspalto sa La Paz-Javier-Bito Road sa La Paz, Leyte bilang bahagi ng asset preservation program ng ahensya.
Ayon kay DPWH Region 8 Director Edgar B. Tabacon, ang road improvement project na sumasaklaw sa kabuuang haba na 785 meters ay kinabibilangan ng reblocking ng intermittent road sections, asphalt overlay, at paglalagay ng thermoplastic pavement markings upang mapabuti ang kaligtasan sa paglalakbay at mabawasan ang mga aksidente sa trapiko.
“The implementation of preventive maintenance projects helps prolong the service life of roads by minimizing premature deterioration of pavement brought by the passage of heavy vehicles,” sabi ni Tabacon.
Pinondohan sa ilalim ng 2022 General Appropriation Act (GAA), ang proyekto ay makakatulong upang mapabuti ang daloy ng trapiko ng sasakyan sa kahabaan ng La Paz-Javier-Bito Road.