EJ Obiena pinarangalan ng Kamara

Si Tingog party list Rep. Yedda Marie Romualdez at Speaker Martin Romualdez na nagpakuha ng larawan matapos tanggapin ni EJ Obiena ang parangal sa kanya ng mga kongresista.

Ni NOEL ABUEL

Ipinagkaloob ni Speaker Martin G. Romualdez kay ace pole vaulter Ernest John “EJ” Uy Obiena ang resolusyon na pinagtibay ng mga kongresista na kumikilala sa nagawa nito para sa Pilipinas.

Sa isang simpleng seremonya, personal na ibinigay ni Romualdez kay Obiena ang (HR) No. 10 matapos mag-courtesy call ito sa lider ng Kamara.

Tinitiyak ni Romualdez kay Obiena na ang Kamara ay nasa likuran nito habang naghahanda sa nalalapit na Paris 2024 Olympics.

“We’ll be rooting for you, we’ll be praying for you, and cheering for you all the way,” sabi ni Romualdez kay Obiena.

Nagpasalamat naman si Obiena Kay Romualdez sa mainit na pagtanggap sa kanya, at sinabing ang pagpapahayag ng suporta ng Kamara ay nagbibigay-inspirasyon sa kanya na magsikap nang higit pa para abutin ang pinakamataas na parangal para sa bansa.

“It’s very flattering to receive such an honor. It’s good to know that the whole House is at the back of every Filipino athlete who competes for the country,” sabi ni Obiena.

Kasama rin na humarap kay Obiena at magbigay ng suporta dito sina Tingog party list Rep. Yedda Marie Romualdez; Isabela Rep. Faustino Michael Carlos Dy III;  USWAG ILONGGO party list Rep. James “Jojo” Ang Jr. at Pusong Pinoy party list Rep. Jernie Jett Nisay.

Ang House resolution, na inihain nina Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos, House Minority Leader Marcelino C. Libanan, Yedda Romualdez at Tingog Rep. Jude A. Acidre, dahil sa pagkamit nito ng dalawang gintong medalya   sa nakalipas na international competitions sa Germany.

“Resolved by the House of Representatives, to congratulate Ernest John ‘EJ’ Uy Obiena for winning the gold medals in the 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting held in Jockgrim, Germany and in the True Athletes Classics in Leverkusen, Germany. Resolved, further, that a copy of this Resolution be given to Ernest John “EJ” Uy Obiena,” nakasaad sa resolusyon.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s