Road Infrastructure sa San Ildefonso, Bulacan pabor sa magsasaka–DPWH

NI NERIO AGUAS

Inaasahan na makakatulong sa mga magsasaka ng San Ildefonso, Bulacan ang bagong sementong kalsada na proyekto ng
Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni DPWH Sec. Manuel M. Bonoan na ang DPWH Bulacan Second District Engineering Office (Deo) ay isinaayos at sinemento ang 830-meter road na lumilibot sa malawak na mga palayan malapit sa mga barangay ng Pasong Bangkal at Casalat.

Ang pagsasaayos ng kalsada ay inaasahang mapapakinabangan ng mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas madali at cost-effective na paraan ng transportasyon ng kanilang mga produkto mula sa mga bukid hanggang sa mga pamilihan.

“This road concreting project assures the supply of agricultural inputs and facilitates the delivery of the farm outputs to the markets,” ayon kay Bonoan.

Pinondohan sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA), ang kabuuang P18.3 milyon ay inilaan para sa pagsesemento ng Pasong Bangkal-Casalat Road.

Leave a comment