IIR ng Expanded Solo Parents Welfare Act ilalabas na –solon  

Rep. LRay Villafuerte

NI NOEL ABUEL

Kumpiyansa si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na mas maraming Filipino na ikonokonsiderang solo parents ang magiging benepisyaryo ng Republic Act (RA) 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.

Ayon sa kongresista ito ay kasunod ng nakatakdang pagpapalabas ng implementing rules and regulations (IIR) ng nasabing batas na magkakaloob ng dsikuwento sa pagkain,  tax exemptions, free legal aid at medical care, tuition subsidies, parental leaves at iba pang pribilehiyo.

Sa ilalim ng RA 11861, ang mga solo parents na kumikita ng minimum wages o mas mababa ay makakatanggap ng buwanang cash aid na P1,000 bawat isa sa kanilang mga local government units (LGUs).

Villafuerte, na co-author ng nasabing batas, ang IRR ay una nang nilagdaan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo at ng iba pang miyembro ng inter-agency coordination and monitoring committee na gumawa ng draft ng IRR.

Sinabi ni Tulfo sa mga mamamahayag na pipirmahan ang IRR ngayong buwan ng Oktubre at bago matapos ang kasaulukuyang buwan ay maipatutupad na ito.

Sa datos ng Department of Health (DOH) at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), tinataya noong 2017 study na nasa 14 hanggang 15 milyon ang solo parents sa buong bansa.

 “We are looking forward to the immediate and full release of this monthly pension to low-income solo parents plus the application or provision of other benefits due them and all other  Filipinos who  have single-handedly been raising their children, following the release of RA 11861’s IRR,” sabi ni Villafuerte, pangulo ng National Unity Party (NUP),

 “This expanded social protection program for solo parents is timely, considering that a number of single dads or moms were likely on last year’s  bigger list of Filipinos who lived below the poverty line,” dagdag pa nito.

Nakapaloob din sa batas na ang mga solo parents ay makakatanggap ng 10 porsiyentong diskuwento at exemption sa value-added tax (VAT) sa gatas ng sanggol at sanitary diapers; food and micronutrient supplements; duly prescribed medicines, vaccines at iba pang medical supplements mula  sa pagkasilang hanggang umabot ng 6-taong gulang.

Leave a comment