SC pinuri sa TRO vs Comelec ruling pabor sa MAGSASAKA party list

NI NOEL ABUEL

Nagpasalamat si MAGSASAKA party list Rep. Robert Nazal sa Korte Suprema sa pagtanggi nitong maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec)  na kalaunan ay naging daan para maiproklama ito bilang kinatawan ng party list sa Kamara.

“With this ruling, we can now focus on our work in the House of Representatives and that is to introduce and pass legislation that would address the plight of our impoverished farmers. The country is currently facing food security challenges. We need  to unite and work together to come up with urgent and concrete solutions to these challenges,” sabi ni Nazal

Nabatid na ang TRO ay hiniling ng kampo ni dating MAGSASAKA Rep. Argel Joseph Cabatbat na naghain ng petisyon na humihiling ng pag-aaral sa desisyon ng Comelec na pumapabor sa kay MAGSASAKA national chair Soliman Villamin Jr., na kinilala bilang lehitimong pinuno ng nasabing party-list organization.

Si Nazal ay kabilang sa Villamin faction kung saan itinalaga itong nominee ng MAGSASAKA party list  kung saan ang nominasyon nito ay kinilala ng Comelec.

Sa inilabas na resolusyon ng Supreme Court en banc na may petsang Oktubre 4, 2022, ibinasura nito ang inihaing TRO at inoobliga ang Comelec at si Villamin na magkomento sa loob ng 1-araw sa petition for certiorari na inihain ng kampo ni Cabatbat.

Dahil sa desisyon ng SC, naging malinaw ang implementasyon ng Comelec ruling.

Aniya, noong Oktubre 10, naglabas ang Comelec en banc ng Certificate of Finality and Entry of Judgment na nagdeklara bilang “final and executory” ang desisyon na pumapabor kay Villamin.

Magugunitang noong Setyembre 9, pinagtibay ng Comelec en banc ang resolusyon ng First Division noong Nobyembre 25, 2021 na nagbabasura sa petisyon na ibigay ang Manifestation of Intent to Participate (MIP) sa May 2022 elections na isinumite ni Villamin.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s