2 US fugitives arestado ng BI

NI NERIO AGUAS

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang American fugitives na wanted ng US federal authorities dahil sa krimeng kinasasangkutan ng mga ito.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga nadakip na sina Teresita Kindle, 57-anyos at Virgilio Carigma Cruz, 67-anyos, noong nakalipas na Setyembre 27 at Oktubre 6, ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU).

Si Kindle ay naaresto sa condominium unit nito sa Little Baguio, San Juan City habang si Cruz ay nadakip sa tahanan nito sa Bgy. San Pedro, Morong, Rizal.

Sinabi ni Tansingco na iniutos nito ang pag-aresto sa dalawa sa kahilingan ng US authorities sa Maynila na humingi ng tulong sa BI sa paghahanap at pagpapatapon sa mga pugante.

“They will be deported and placed in our bureau’s blacklist of undesirable aliens, thus they are perpetually banned from re-entering the Philippines,” sabi ng BI chief.

Sinabi rin nito na ang dalawang dayuhan ay mga undocumented alien dahil ang kanilang mga pasaporte ay binawi na ng US State Departament o nag-expire na.

Ayon pa kay Rendell Ryan Sy, BI-FSU acting chief, si Kindle ay kinasuhan ng multiple counts ng wire fraud at money laundering ng US district court sa Florida na naglabas ng warrant of arrest laban dito.

Nabatid na si Kindle ay inaresto sa bisa ng deportation warrant na nilagdaan ni Tansingco base sa deportation order ng BI board of commissioners laban dito.

Samantala, si Cruz ay may arrest warrant na inilabas ng superior court of New Jersey noong Pebrero  2018 matapos makasuhan sa kasong illegal drugs.

Kapwa nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang dalawang dayuhan habang inihahanda  ang pagpapatapon palabas ng bansa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s