Pagsasaayos ng kalsada sa Pagadian at Zamboanga City tinapos na ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Ipinagmalaki ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na ang maintenance work sa kahabaan ng national road na nag-uugnay sa mga lungsod ng Pagadian at Zamboanga City at malaking tulong para sa transport connectivity sa Zamboanga Peninsula.

Ayon kay DPWH Region 9 Director Cayamombao D. Dia, ang preventive maintenance ng 600-meter portion ng Pagadian City-Zamboanga City Road ay ginawa para matugunan ang unti-unting pagkasira ng kalsada.

Kasama sa proyekto ang asphalt overlay at paglalagay ng mga road safety marker at thermoplastic pavement marking upang mapabuti ang visibility ng kalsada.

Ipinatupad ng DPWH Zamboanga City District Engineering Office ang P10 milyong preventive maintenance project sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA).

“The completion of this segment of the national road in Zamboanga City is much anticipated not only by DPWH but also by residents as it will enhance mobility and promote economic development in the region,” sabi ni Dia.

Leave a comment