BI nagbabala sa mga scammers at fixers

NI NERIO AGUAS

Naglabas ng babala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko at sa mga foreign nationals na mag-ingat sa mga nagkalat na scammers at fixers na nagpapakilalang matutulungan sa pagpoproseso ng dokumento nito.

Sa inilabas na pahayag ni Commissioner Norman Tansingco, nakarating sa kaalaman nito na ilang scammers ang nambibiktima ng ilang dayuhan at natatangayan ng malaking halaga para umano maayos ang problema nito sa BI.

 “My office has received reports that scammers are charging exorbitant amounts and promising to fix their problems,” sabi ni Tansingco.

Sinabi ng opisyal na base sa impormasyon na natanggap nit, ang mga scammers ay pawang mga kababayan ng dayuhan na gumagamit ng  communication platform na WeChat.

“This is a scam.  Do not even attempt to deal with these scammers, they will not help you with your case.  It is best to just follow the law, lest be faced with more problems,” babala pa ni Tansingco.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s