MMC pinuri ng kongresista sa eksklusibong motorcycle lane sa Commonwealth Ave.  

Si 1-Rider party list Rep. Ramon Rodrigo “Rodge” L. Gutierrez habang masayang nagpapasalamat sa Metro Manila Mayors sa pagkakaroon ng ekslusibong motorcycle lane sa mga motorcycle riders sa Commonwealth Avenue, QC.

NI NOEL ABUEL

Pinuri ng isang kongresista ang mga alkalde na kasapi ng Metro Manila Council (MMC) sa pagsang-ayon sa plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglagay ng motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon kay 1-Rider party list Rep. Ramon Rodrigo “Rodge” L. Gutierrez, nagpapasalamat ito at napagdesisyunan ng mga alkalde ng Metro Manila na magkaroon na ng ekslusibong lane ang mga motorsiklo gayundin ang mga bicycle riders, at  public utility vehicles (PUVs).

“We laud and thank the MMC, composed of mayors in the National Capital Region, for agreeing with MMDA that there’s a need to create exclusive lanes for riders and other motorists to prevent road accidents,” sabi ni Gutierrez. 

“We also expressed gratitude and support to MMDA, especially to MMDA Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III for this initiative that aims to ensure safety among road users,” dagdag pa nito. 

Sinabi ni Gutierrez na kilalang advocate ng road safety, na mahalaga na magkaroon ng exclusive lanes ang mga motorcycle riders sa kadahilanang napakadelikado ang sitwasyon ng mga ito sa lansangan. 

Base sa Road Crash Statistics mula sa MMDA Traffic Engineering Center, aabot sa kabuuang 1,010 motorcycle-related accidents ang naitala sa Commonwealth Avenue mula Enero hanggang Agosto 2022 kung saan siyam sa bawat 1,010 ang nasasawi habang 557 naman ang sugatan at 444 ay sanhi ay damage to properties. 

“1-Rider Party-list was invited to the motorcycle consultation workshop conducted by the MMDA. At that time we were given the opportunity to listen to different sides and opinions on the implementation of these lanes. Ang mangyayari dito sa Commonwealth, i-implement natin, testing phase, pag-aaralan kung ito ay talagang helpful sa traffic, kung talagang mababa ang accident rate at kapag ito ay nangyari at ito ay na-achieve baka i-replicate sa ibang roads,” paliwanag pa ng kongresista. 

Nilinaw rin ni Gutierrez ang bagong panukalang eksklusibong linya sa mga motorcycles riders ay iba sa nakaraang motorcycle lane project ng MMDA. 

“‘Yung dating implementation nito ay hindi exclusive. Ito ang promise ng MMDA sa ating mga riders. Kung dati ang mga motorcycle riders, inilalagay lang sa isang lane, tapos ang mga kotse, pwede rin gamitin ang lane, iba na ngayon, exclusive na,” aniya. 

“Motorcycle riders lang ang pwedeng pumasok doon, hindi pupuwedeng pumasok ang four wheels, PUVs. Iyon na ang pagbabago ngayon. Another point, ‘yung dating motorcycle lane, na-suspend iyon. Ito ay bagong pilot project,” ayon pa sa mambabatas. 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s