DPWH dapat na magpaliwanag sa gumuhong tulay — Sen. Revilla

Makikita sa larawan ang dalawang truck na pawang tumaob at tumagilid nang gumuho ang Romulo Bridge sa lalawigan Pangasinan.

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa nangyaring pagbagsak ng Romulo Bridge sa Pangasinan na ikinasugat ng apat na indibiduwal.

Ayon sa senador, dapat na magpaliwanag ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung sino ang dapat na managot sa insidente dahil sa kapabayaan.

“Nakakalungkot na hindi bababa sa apat nating kababayan ang nasugatan, at mas marami pa ang naapektuhan dahil sa insidenteng ito.Maaari naman sanang naiwasan ito kung ginawa lang ng DPWH ang kanilang trabaho na siguruhing laging nasa mabuting kondisyon at tibay ang mga imprastruktura para sa kaligtasan ng publiko,” giit ng senador.

“As the chairperson of the Senate Committee on Public Works, I call on the Department of Public Works and Highways to be proactive in auditing and inspecting all existing public infrastructure to ensure their structural integrity. Hindi dapat na hinihintay pa ang lindol, bagyo, o iba pang sakuna bago pa kumilos para suriin ang tibay at kondisyon ng mga tulay, daan, at iba pang imprastrakturang ginagamit ng taumbayan,” pahayag pa ng senador.

Aniya, kailangang siguraduhing matibay ang pundasyon ng mga pampublikong imprastraktura sa kadahilanang ang kaligtasan ng mamamayan ang nakataya dito.

“Failure to conduct timely inspection and retrofitting of public infrastructure puts the safety and lives of our countrymen at risk. The recent collapse of the bridge in Pangasinan is a glaring example of the injurious effects of crumbling infrastructure,” ayon pa dito.

Sinabi pa ng senador na bago ang insidente, ipinakita sa kamakailang video na kumalat sa social media ang isang bahagi ng flyover mula 32nd Street sa Bonifacio Global City patungo sa C-5 Road na sira-sira na, at handang gumuho anumang oras.

“Nananawagan din tayong mabilisang maisaayos ang mga ito upang hindi mapilay ang transportasyon sa mga lugar na ‘yan. Immediate repair and restoration should be done to avoid impeding the transport of perons, as well as the flow of goods and services,” paliwanag pa ni Revilla.

Dapat rin umanong pangunahan ng DPWH ang koordinasyon sa pagpapatupad ng weight limit sa mga truck na dumadaan sa mga tulay upang hindi na maulit pa ang pangyayari.

“Infrastructure should always be kept in check in order to ensure that they remain fit for safe use and/or passage. Equally important, aged infrastructure must always be retrofitted so that they remain compliant with the demands of the times and the current standards,” sabi nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s