
NI NOEL ABUEL
Nabalot ng takot ang ilang pasahero ng Philippine Airlines nang sumamblay ang paglapag ng isang eroplano nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakalipas na Biyernes ng umaga.
Ang PAL airline PR 1972 na nangyaling sa Tacloban airport at patungo sa NAIA dakong alas-9:15 ng umaga ay nakaranas ng tinatawag na ‘mis approach’ kung saan pababa na sana ang eroplano nang biigla itong muling umakyat pataas.
Dahil sa pangyayari ay ilang pasahero na karamihan ay pwang senior citizens ay nakaramdam ng takot kung saan ilan sa mga ito ang biglang humawak ng rosaryo habang ang ilan ay nagkapit-kamay sa takot nang hindi huminto ang eroplano sa NAIA.
Ilang minuto ang lumipas nang magsabi ang hindi pinangalanang piloto na humihingi ito ng pasensya sa pangyayari at humingi ng 10-minuto pang dagdag para bumalik at umikot ang eroplano ng PAL sa NAIA.
Nabatid na ilan sa mga pasahero ay mga mamamahayag na nag-cover sa Tacloban at Ormoc City kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Wala namang humarap na kinatawan ang PAL sa mga pasahero sa pangyayari at mistulang walang nangyari.
Kabilang ang sumulat nito na sakay ng PAL PR1982.