
NI MJ SULLIVAN
Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng paglindol sa lalawigan ng Davao Occidental, Batangas at Eastern Samar.
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-2:23 ng madaling-araw kanina nang maramdaman ang magnitude 4.8 na lindol sa Balut Island, sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 192 kms at tectonic ang orign.
Wala namang naitalang nasirang ari-arian sa nasabing paglindol.
Ganap namang alas-2:25 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Calatagan, Batangas.
May lalim itong 090 at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, ang paglindol ay aftershock noong nakalipas na Hulyo 24, 2022 na magnitude 6.6 sa Calatagan, Batangas.
Samantala, dakong alas-6:27 kagabi nang tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa isla ng Homonhon, Guiuan, Eastern Samar na may lalim na 003 km at tectonic ang origin.
Naitala ang instrumental intensity na intensity 1 sa Dulag, Mahaplag, Hilongos, at Abuyog, Leyte.