19 na volcanic earthquakes naitala sa bulkang Taal

NI MJ SULLIVAN

Nakapagtala ng 19 na volcanic earthquakes ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa nakalipas na magdamag sa kanilang pag-monitor sa Taal Volcano.

Ayon sa Phivolcs, ang naitalang phreatomagmatic bursts ay na-monitor ng remote camera sa Taal Main Crater sa pagitan ng alas-8:50 ng umaga at ala-1:30 ng hapon noong Oktubre 21, 2022 na nanggaling sa hilagang-silangan ng bulkan.

Ilan sa mga ito ay nakapagpalabas ng 200-meter-tall steam-rich plumes na may kasamang maiitim na usok na bumagsak sa Main Crater Lake (MCL). 

“Many of the bursts were obscured by ongoing upwelling of hot volcanic gas in the MCL, while all events did not generate detectable signals in the seismic and infrasound records. Presently, Taal MCL has an acidity of pH 0.76 and temperatures reaching 65.1 ºC based on measurements on 12 October 2022. SO2 flux averaged 6,702 tonnes/day yesterday, 20 October 2022,” ayon sa Phivolcs.

Patuloy na nagpapaalala ang DOST-PHIVOLCS sa publiko na nananatili sa Alert Level 1 sa paligid ng Taal Volcano, na nagpapahiwatig ng abnormal condition nito at hindi dapat na ipagwalang-bahala.

“Should current phreatomagmatic activity worsen or pronounced changes in monitored parameters forewarn of increasing unrest, the Alert Level may be raised to Alert Level 2. At Alert Level 1, sudden steam-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within TVI,” ayon pa babala ng Phivolcs.

Mahigpit din ang rekomendasyon ng DOST-PHIVOLCS na ipinagbabawal ang pagpasok sa TVI, Taal’s Permanent Danger Zone o PDZ, partikular sa bisinidad ng Main Crater at ang Daang Kastila fissure.

Pinapayuhan din ang mga local government units (LGUs) na patuloy na i-assess ang posiblidad na pagilikas sa mga barangay sa paligid Taal Lake sa inaasahang pagkasira ng mga gusali at maging ang mga  lansangan sa oras na mag-alboroto ang bulkan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s