Bawas sa training fees ng mga sea farers iniapela sa MARINA

Rep. Sandro Gonzalez

NI NOEL ABUEL

Dapat nang bumaba na ang presyo ng binabayarang training fees ng mga seafarers kapag naka-blended learning ang mga ito.

Ito ang naging panawagan ni MARINO party list Rep. Sandro Gonzalez kay STCW OIC-Executive Director Samuel Batalla ng Maritime Industry Authority (MARINA) higgil sa planong pagkakaroon ng e-learning platform para sa mga Pinoy seafarers.

Kaugnay ito sa plano ng MARINA na hikayatin ang maritime institutions at training centers na magkaroon ng blended learning program para sa mga seaman bilang tugon sa kanilang hinaing na kinakain ng mga training ang kanilang oras para sa pamilya sa tuwing bababa ng barko.

“Ang pagbawas sa training fees ay kabilang sa mandato ng MARINA at malaking tulong ito para sa ating mga seaman na gumagastos ng malaking halaga sa kanilang face-to-face training dito sa Pilipinas,” sabi ni Gonzalez.

Tiniyak naman ni Batalla na nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensya sa mga tanggapan at kasama ang paksa na ito sa prayoridad ng MARINA.

Dagdag pa nito, makakatulong din ang e-learning sa mga training centers upang mabawasan ang kanilang gastos pagdating sa mga pasilidad.

Isa sa mga nakikitang benepisyo ng MARINO sa e-learning program para sa mga seaman ay ang pagkakataong makapag-aral kahit on-board sa loob at labas ng bansa o kahit nasa bahay lamang ang mga ito.

Kabilang din ang Management Level Courses na magkakaroon ng distance learning program.

“Malaking tipid ito pagdating sa accommodation, transportation, at iba pang miscellaneous fees ng ating mga kabaro. Ang iisipin na lamang nila ay ang practical test pagbaba nila ng barko. Makakatulong din ito sa ating mga kasamahan na nakatira malayo sa training centers,” ani. Gonzalez.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga seaman na ipahayag ang kanilang mga katanungan sa MARINA ukol sa Maritime Industry Development Plan at Management Level Courses sa naturang diskusyon.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s