
NI NOEL ABUEL
Naglabas ng abiso ang Cebu Pacific sa mga pasahero nito na maglaan ng sapat na oras sa pagpunta sa paliparan bunsod ng inaasahang pagdagsa ng turista ngayong panahon ng Undas.
“We know that this is the first time since 2019 that you will be with your families to pay your respects to your departed loved ones during the All-Saints’ Day holiday, and so, here are a few friendly reminders for those who will travel this season,” ayon sa kalatas ng Cebu Pacific.
Kabilang sa abiso nito sa mga pasahero ang “Be On Time at the Airport” kung saan dapat aniyang dalawang oras bago ang nakatakdang biyahe ng mga domestic flights ay nasa paliparan na ang mga ito.
Samantalang ang mga pasahero sa international flights ay dapat na maglaan ng tatlong oras bago ang takdang biyahe.
Gayundin, ayon sa Cebu Pacific, ang mga pasaherong patungo sa Dubai ay maaaring mag-check in 7-oras bago ang biyahe ng mga ito.
“Cebu Pacific and Cebgo passengers must allot time for traffic going to the airport. Passengers must be at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 and 4 at least three (2) hours before departure for domestic flights, and three (3) hours for international flights. Passengers traveling to Dubai are allowed to check in as early as seven (7) hours before departure,” dagdag pa nito.
Maiiwasan umano ang mahabang pila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng pag-checking in sa official CEB mobile app o sa Manage Booking section ng CEB website.
“Both options are available from seven (7) days up to one (1) hour before scheduled time of departure for domestic flights; and up to four (4) hours before scheduled departure for international fliers,” ayon pa sa Cebu Pacific.
Sinabi pa nito na sa domestic flights, pinapayuhan na mag-self-tag ng maleta partikular sa domestic destinations na Manila, Davao, Clark, Cagayan de Oro, General Santos, Bohol, Iloilo, at Zamboanga bago tumungo sa counters.
Dinagdag pa nito ang mga pasahero na magdala lamang ng one carry-on bag na hindi lalagpas ng 7 kilo at maaaring magkasya sa para sa overhead bins o sa ilalim ng upuan upang maging maaliwalas ang biyahe ng mga pasahero.
Pinapayuhan din ang mga pasahero na bumili ng prepaid baggage sa pagbili ng tiket sa CEB website at mobile app. kung saan nagpatupad ang CEB ng per piece baggage policy para sa lahat ng pasahero na may checked baggage.
