Parusang kamatayan vs illegal drugs at plunder suportado ni Sen. Go

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng suporta si Senador Christopher ‘’Bong’’ Go sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen na may kaugnayan sa ilegal na droga at plunder.

Ayon kay Go, na nagsilbing vice chair ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, dahil sa hindi matapos na problema ng illegal na droga kung kaya’t noong 2018 ay naghain ito ng panukalang nagtutulak ng pagbabalik ng parusang kamatayan.

“Noong naging senador po ako, nag-file din ako ng another version ng death penalty. Maraming version ‘yan ng death penalty lalung-lalo na po sa iligal na droga,” sabi ni Go.

“So, sang-ayon po ako death penalty on illegal drugs, depende po sa quantity para tigilan na po itong iligal na droga. Alam mo, ‘pag naging biktima ka ng iligal na droga, wala na, addicted ka na. Nagiging addictive itong drogang ito at mawawala na ‘yung takot mo,” dagdag nito.

Binigyan-diin ng senador na ang pagbabalik ng parusang kamatayan ay naaayon sa krusada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga, kriminalidad at katiwalian.

Idinagdag nito na ang pagpapataw ng parusang kamatayan ay maaaring makapagpahina sa mga gawaing kriminal.

“Dapat talaga may takot. Isang pamamaraan is death penalty. Bakit ka naman matakot sa death penalty kung wala ka namang kasalanan, kung sumunod ka naman sa batas. Wala kang dapat ikatakot. So pabor po ako sa death penalty at pag-aralan natin kung ano pa ‘yung pwedeng idagdag diyan sa death penalty. Plunder isama mo na. Kailangan talagang takutin mo. Kung walang takot ‘yung iba, hindi titigil sa paggawa ng krimen,” paliwanag ni Go.

Samantala, pinuri ng senador si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapatuloy ng paglaban ni dating Pangulong Duterte laban sa iligal na droga.

“Ako naman po’y masaya dahil nabanggit po ni Pangulong Marcos na labanan po ang iligal na droga. So, kung anuman, kanya-kanyang pamamaraan po ‘yon sa paglaban sa iligal na droga,” sabi pa ni Go.

“At ako po ay may tiwala kay Pangulong Marcos, bigyan natin siya ng sapat na panahon na ipagpatuloy ‘yung kampanya na labanan ang iligal na droga. Dahil ako po ay naniniwala ‘pag bumalik ang iligal na droga, babalik po ang korapsyon sa gobyerno, babalik po ang kriminalidad,” aniya pa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s